Kung masdan natin ang kalikasan, makita natin na lahat ng mga buhay na nilalang ay nilikha para sumunod sa prinsipyo ng pag-alala sa kapakanan ng iba o altruismo. Ang kaharian ng hayop ay naghahandog ng mangilan-ngilang mga kamangha-manghang halimbawa kung saan ang bawa't elemento ay gumagawa para sa kabutihan ng kabuuan. Halimbawa, napag-alaman natin ang maraming mga aralin mula sa taun-taong migrasyon ng mga gansa bawa't taglamig. Habang pinapagaypay ng bawa't gansa ang kanilang mga pakpak, ito ay lumilikha ng pag-aahon para sa ibong sumusunod. Sa pamamagitan ng paglipad sa pormasyong "V", ang buong langkay ay nagdadagdag ng 71 porseyentong layo ng naliliparan kaysa lumilipad na mag-isa. Napag-alaman din ng mga mananaliksik na ang langkay ay hindi sumusunod hanggang sa ang lahat ay pumupunta sa wastong direksyon at ang mga gansa na nasa likuran ng pormasyon ay humuhuni para suportahan ang nasa unahan na magpatuloy sa kanilang bilis. Kung sakaling may gansa na mahiwalay sa pormasyon, ito ay kaagad makakadama ng paghilahod at resistensya sa pagsubok ng paglipad ng mag-isa at agad-agad babalik sa pormasyon para makinabang sa lakas ng pag-aahon ng mga nangungunang ibon.
Napatunayan din sa mga pag-aaral na kung ang gansa ay magkasakit o nasugatan, dalawang gansa ang humihiwalay sa pormasyon at susundan ang kanilang ka-miyembro, para tulungan at pagbigyan ng proteksyon. Sila ay mananatili sa miyembrong ito ng langkay hanggang sa ito ay magkaroon ng kakayahang lumipad muli. Ang ibang mga hayop ay kumikilos kapareho nito. Ang mga dolphin ay nagsusuporta ng kanilang nasusugatang mga kasamahan at binabantayan silang maging malapit sa ibabaw ng tubig para sila ay hindi malunod. Ang mga elepante ay mag-ugnayan para tulungan ang isa sa mga katulad nila na naghihingalo sa buhanginan. Ginagawa nila ang kanilang magagawa para kunin ang naghihingalong elepante sa pagtutulak ng kanilang mga pangil sa ilalim ng katawan nito. Ang iba sa kanila ay malagutan ng kanilang mga pangil sa gawaing ito.
Kung masdan natin ang ating nakapaligid na Kalikasan, ating madiskubre na ang walang buhay, halaman at hayop na mga antas ng Kalikasan lahat ay gumagawa ng prinsipyo ng Kalikasan ng pagkaloob, o altruismo. Subali't, kung masdan natin ang kalikasan ng tao, mapapatunayan natin na ito ay talagang iba mula sa natira sa Kalikaran. Ang tao ay ang nilikha lamang na kumukuha ng kasiyahan sa pagiging bukod-tangi, hiwalay at superyor sa iba. Kaya, ang pagkamakasarili ng tao ay lumalabag sa balanse ng Kalikasan.
Ang Kabala ay nagpapaliwanag na ang tao ay naiiba sa ibang mga antas ng kalikasan sa katotohanang ang kanyang mga hangarin ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Una ang tao ay may simpleng mga hangarin, tulad ng kagustuhang kumain, dumami, at makaranas na magkaroon ng pamilya. Ang paglitaw ng mas mataas na antas na mga hangarin, tulad ng paghangad ng kayamanan, dangal at kaalaman ay nag-udyok ng ebolusyon ng lipunan ng tao at ng mga estrukturang sosyal ng edukasyon, kultura, siyensya at teknolohiya. Sa pagbabago ng sangkatauhan, naiisip natin na ang mga pag-unlad na ito ay makapagbigay kasiyahan sa atin at tayo ay lalong lumigaya. Subali't, sa kasalukuyan tayo ay simulang nakaunawa na ito ay hindi ganoon.
At iyon ay dahil sa wala sa ating mga hangarin ay mananatiling nasiyahan sa matagal. Sa pamamagitan ng karanasan, ating napag-alaman na kapag matanggap na natin ang ating ninanais, ang kasiyahan ay mawawala at ang kahungkagan ay bumabalik. Ang kahungkagang ito ay magdadala sa atin sa parang paghahabol ng mailap na gansa ng mga hangarin at mga kagustuhan sa paghahanap ng kasiyahan. Ngayon na nakapag-ipon na tayo ng karanasan sa libu-libong taon, ating napag-alaman na wala tayong alam paano maabot ang kapana-panatiling kaligayahan, o kahit ang pinakabalangkas na panloob na seguridad.
Ang Kalikasan ay binubuo ng mga Anyong Lupa, Anyong Tubig, Likas na Yaman, at Klima, dahil sa kalikasan may mga natataniman tayo at may natitirahan tayo.Ang kalikasan ay ang mismong mundong ating ginagalawan at ang mga natural na pangyayari dito. Ang mga Dahon o gulay nakinakain natin ay nang galing rin sa mga bumubuo ng ating kalikasan, maraming naidinudulot na mabuti saatin ang mga iba't-ibang uri ng mga likas na yaman at kung wala ito hindi tayo mabubuhay.
Gumawa ako ng Tula tungkol sa Kalikasan natin, sana mabasa nyo ito at maintindihan.
1.
Kalikasan
Kalikasa’y ating pag-ingatan,
Nang magamit sa kinabukasan.
Likas na yaman ating mahalin,
Ito’y para sa atin din.
Kalikasan ay magandang tunay,
Na nagbibigay sa ‘tin ng buhay.
Nang inabuso ng mga tao,
Ang kapaligiran ay yumao.
Kalikasan lubos na nawasak,
Kaya tayo’y sa dusa nasadlak.
Ito’y dahil sa ating kapabayaan,
Tayo na’t gumawa ng paraan.
Kalikasan ating alagaan,
Panatilihin ang kagandahan,
Kalikasan ating payabungin,
Nang ang Diyos Ama ay sumaatin.
2.
Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.
Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.
Ang lambak ang aking hardin.
Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim.
Madaming bulaklak kahit saan tumingin.
Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.
Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.
Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.
May dalang himig sa musikero’t makata,
Na ang alay ay himig at tula.
Ang pagbabago ay hindi makakamtan,
Kung ang kalikasan ay mapababayaan.
Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.
Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.
Salamat po sa pagbasa ng aking nalagay na tula rito.
Para saakin saakin ang kalikasan ay hindi mababayaran nang sinuman, kung sino man ang umabuso rito ay may kapalit na kapahamakan.
maraming salamat po..
sauulitin magandang umaga, hapon, gabi sa inyong lahat.
Warning:/Mga Babala:
Iwasan ang pagkakaingin at d makatarungan o iresponsableng pagkakalat ng basura sa paligid.tamang disposal ng waste ng mga malalaking pabrika at isatupad ang no sdmoke belching.
Mga Anyong Tubig Sa Ating Kalikasan:
- Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)
- Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapangkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes at Dagat Mindanao.)
- Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
- Look - Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)
- Golpo - bahagi ito ng dagat.
- Lawa - isang anyong tubig na naliligiran ng lupa.
- Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
- Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.
- Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
- Batis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.
- Sapa - anyong tubig na dumadaloy.
- Kipot - May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito.
- Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
- Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol. hal.Bundok Banahaw, Bundok Apo.
- Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.
- Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
- Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
- Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito.
- Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
- Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
- Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.
- Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.
- Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
- Tangos — mas maliit sa tangway.
- Disyerto — mainit na anyong lupa
Tag-lamig
Tag-ulan
Tag-araw
Tag-lagas
Tag-sibol
Ang Pagkakaiba ng Panahon at Klima:
anu anu poh ba dapat ang gawin ng magsasaka bago manalasa ang bagyo?
TumugonBurahinpakihiram po nang tula niyo po para sa project purpose lang po
TumugonBurahinsalamat
Pede Po ABOUT "ASYA KAY GANDA"
TumugonBurahinEmperor Casino Online Games for Real Money in Canada
TumugonBurahinWith the best in games, fast withdrawals and 카지노 endless 제왕카지노 jackpots, the 메리트 카지노 주소 Emperor Casino is your one-stop-shop for online casino games. Play casino games
smm panel
TumugonBurahinsmm panel
iş ilanları
instagram takipçi satın al
Hirdavatci burada
beyazesyateknikservisi.com.tr
Servis
Tiktok jeton hile
pendik alarko carrier klima servisi
TumugonBurahinbeykoz beko klima servisi
üsküdar beko klima servisi
kadıköy toshiba klima servisi
maltepe beko klima servisi
kadıköy beko klima servisi
kartal vestel klima servisi
ümraniye vestel klima servisi
kartal bosch klima servisi